Awit Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)
« 1 .. 11 .. 21 .. 31 .. 41 .. 51 .. 61 .. 71 .. 81 .. 91 .. 101 .. 111 .. 121 122 123 124 125 126 127 128 129 130 131 132 133 134 135 136 137 138 139 140 .. 150 »
Click the play button to listen or click the Download button to save a copy.
1 Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
2 Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.
3 Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
4 Nguni’t may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
5 Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
6 Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
7 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka’t sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
8 At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.