Home » Awit Chapter – 47 – Ang Dating Biblia (1905)

Awit Chapter – 47 – Ang Dating Biblia (1905)

Awit Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)

1 Oh ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan; magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.

2 Sapagka’t ang Panginoong kataastaasan ay kakilakilabot; siya’y dakilang Hari sa buong lupa.

3 Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin, at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.

4 Kaniyang ipipili tayo ng ating mana, ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)

5 Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak.

6 Kayo’y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo’y magsiawit ng mga pagpuri: kayo’y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo’y magsiawit ng mga pagpuri.

7 Sapagka’t ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.

8 Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.

9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka’t ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya’y totoong bunyi.

Pradeep Augustine Avatar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Stay Connected

Recently added Bibles

Download our App

Get our official Catholic Gallery app for daily Mass readings, prayers & more

Your Faith. Your Way.
Download the Catholic Gallery app for offline Mass readings, daily prayers, and audio Bible — all in one place.
Available on:
No Thanks