back to top
HomeTagalogMangangaral Chapter - 12 - Ang Dating Biblia (1905)

Mangangaral Chapter – 12 – Ang Dating Biblia (1905)

Mangangaral Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)

1 Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;

2 Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.

3 Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka’t sila’y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,

4 At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa’y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;

5 Oo, sila’y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka’t ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:

6 Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon;

7 At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya.

8 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan.

9 At bukod dito, sapagka’t ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya’y nagaral, at sumiyasat, at umayos ng maraming kawikaan.

10 Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan.

11 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.

12 At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.

13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.

14 Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t gawa sa kahatulan, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y mabuti o maging ito’y masama.

Pradeep Augustine
Pradeep Augustinehttps://bible.catholicgallery.org/
Pradeep Augustine is the founder of Catholic Gallery. He is a passionate Writer, An Artist, a computer geek and a part-time Blogger who loves to write a lot of contents on Catholicism in his free time. He is the founder of the Technical Blog www.GetCoolTricks.com, where he shares a lot of technical Contents. Stay connected with him on his social profiles.
Access Catholic Videos
Subscribe to our YouTube channel to access Mass Readings and Prayers as videos.
No Thanks