back to top
HomeTagalogMangangaral Chapter - 11 - Ang Dating Biblia (1905)

Mangangaral Chapter – 11 – Ang Dating Biblia (1905)

Mangangaral Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)

1 Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan: sapagka’t iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw.

2 Magbigay ka ng bahagi sa pito, oo, sa walo; sapagka’t hindi mo nalalaman kung anong kasamaan ang mangyayari sa lupa.

3 Kung ang mga alapaap ay mapuno ng ulan, ay tumutulo sa lupa: at kung ang punong kahoy ay mabuwal sa dakong timugan, o sa dakong hilagaan sa dakong kabuwalan ng kahoy, ay doon ito mamamalagi.

4 Ang nagmamalas sa hangin ay hindi maghahasik; at ang tumitingin sa mga alapaap ay hindi aani.

5 Kung paanong hindi mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat.

6 Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi, at huwag mong iurong ang iyong kamay sa hapon; sapagka’t hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa magiging mabuti.

7 Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw.

8 Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni’t alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka’t magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan.

9 Ikaw ay magalak, Oh binata, sa iyong kabataan: at pasayahin ka ng iyong puso sa mga kaarawan ng iyong kabataan, at lumakad ka ng mga lakad ng iyong kalooban, at sa paningin ng iyong mga mata: nguni’t talastasin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Dios sa kahatulan.

10 Kaya’t ilayo mo ang kapanglawan sa iyong puso, at alisin mo ang kasamaan sa iyong katawan: sapagka’t ang kabataan at ang kasariwaan ng buhay ay walang kabuluhan.

Pradeep Augustine
Pradeep Augustinehttps://bible.catholicgallery.org/
Pradeep Augustine is the founder of Catholic Gallery. He is a passionate Writer, An Artist, a computer geek and a part-time Blogger who loves to write a lot of contents on Catholicism in his free time. He is the founder of the Technical Blog www.GetCoolTricks.com, where he shares a lot of technical Contents. Stay connected with him on his social profiles.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here
Captcha verification failed!
CAPTCHA user score failed. Please contact us!
Access Catholic Videos
Subscribe to our YouTube channel to access Mass Readings and Prayers as videos.
No Thanks