back to top
HomeTagalogSecond Tesalonica Chapter - 1 - Ang Dating Biblia (1905)

Second Tesalonica Chapter – 1 – Ang Dating Biblia (1905)

Second Tesalonica Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)

1 Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;

2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.

3 Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa’t isa sa iba’t iba sa inyong lahat ay sumasagana;

4 Ano pa’t kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;

5 Na isang tandang hayag ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo’y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito’y nangagbabata rin naman kayo:

6 Kung isang bagay na matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,

7 At kayong mga pinighati ay bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,

8 Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:

9 Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.

10 Pagka paririto siya upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya’y maging kahangahanga sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka’t ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).

11 Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo’y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa’t nais sa kabutihan at gawa ng pananampalataya;

12 Upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo’y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.

Pradeep Augustine
Pradeep Augustinehttps://bible.catholicgallery.org/
Pradeep Augustine is the founder of Catholic Gallery. He is a passionate Writer, An Artist, a computer geek and a part-time Blogger who loves to write a lot of contents on Catholicism in his free time. He is the founder of the Technical Blog www.GetCoolTricks.com, where he shares a lot of technical Contents. Stay connected with him on his social profiles.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here
Captcha verification failed!
CAPTCHA user score failed. Please contact us!
Access Catholic Videos
Subscribe to our YouTube channel to access Mass Readings and Prayers as videos.
No Thanks