back to top
HomeTagalogAwit Chapter - 53 - Ang Dating Biblia (1905)

Awit Chapter – 53 – Ang Dating Biblia (1905)

Awit Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)

1 Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti.

2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios.

3 Bawa’t isa sa kanila ay tumalikod: sila’y magkakasamang naging mahahalay; walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.

4 Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan? na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay, at hindi nagsisitawag sa Dios.

5 Doo’y nangapasa malaking katakutan sila na hindi kinaroroonan ng takot: sapagka’t pinangalat ng Dios ang mga buto niya na humahantong laban sa iyo; iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka’t itinakuwil sila ng Dios.

6 Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion. Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan, magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.

Pradeep Augustine
Pradeep Augustinehttps://bible.catholicgallery.org/
Pradeep Augustine is the founder of Catholic Gallery. He is a passionate Writer, An Artist, a computer geek and a part-time Blogger who loves to write a lot of contents on Catholicism in his free time. He is the founder of the Technical Blog www.GetCoolTricks.com, where he shares a lot of technical Contents. Stay connected with him on his social profiles.
Access Catholic Videos
Subscribe to our YouTube channel to access Mass Readings and Prayers as videos.
No Thanks