back to top
HomeTagalogJonas Chapter - 2 - Ang Dating Biblia (1905)

Jonas Chapter – 2 – Ang Dating Biblia (1905)

Jonas Chapters (Tagalog Bible : Ang Dating Biblia – 1905 – ADB)

1 Nang magkagayo’y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.

2 At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya’y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako’y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig.

3 Sapagka’t inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.

4 At aking sinabi, Ako’y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma’y titingin ako uli sa iyong banal na templo.

5 Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.

6 Ako’y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.

7 Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.

8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan.

9 Nguni’t ako’y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa’y sa Panginoon.

10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.

Pradeep Augustine
Pradeep Augustinehttps://bible.catholicgallery.org/
Pradeep Augustine is the founder of Catholic Gallery. He is a passionate Writer, An Artist, a computer geek and a part-time Blogger who loves to write a lot of contents on Catholicism in his free time. He is the founder of the Technical Blog www.GetCoolTricks.com, where he shares a lot of technical Contents. Stay connected with him on his social profiles.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here
Captcha verification failed!
CAPTCHA user score failed. Please contact us!
Access Catholic Videos
Subscribe to our YouTube channel to access Mass Readings and Prayers as videos.
No Thanks